Bagyong Ineng palabas na ng bansa — PAGASA

PALABAS na ng bansa ang bagyong Ineng makaraang pumasok sa Philippine area kahapon na halos dumaan lamang iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administraton (PAGASA).

Ayon sa PAGASA,  dakong 11:00 ng umaga kanina nang mamataan ang bagyong Ineng sa layong 1,240 kilometro ng Silangan Hilagasilangan ng Basco, Batanes.

Si Ineng ay may lakas na hangin na 185 kilometro bawat oras malapit sa sentro nito na aabot sa 220 kilomeetro bawat oras.

Kumikilos si Ineng sa direksyon ng Hilaga Hilagangkanluran  sa bilis na 24 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Ineng ay inaasahang nasa 1,300 kilometro ng Hilagasilangan ng Basco, Batanes o 620 kilometro  ng Silangan Hilagangsilangan ng Okinawa, Japan kagabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply