Bagyong Juaning bumagal ang paggalaw

BAHAGYANG humina ang bagyong Juaning na lumihis ng direksyon pa-Kanluran Hilagang Kanluran at nagbabanta sa Isabela-Aurora Area.

Ang sentro ng bagyong Juaning ay pinakahuling namataan sa layong 130 kilometro hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyong Juaning ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Ang bagyong Juaning ay inaasahang kikilos pa kanluran hilagang kanluran sa bilis na labing pitong kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga, ang Bagyong Juaning ay inaasahang nasa 40 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Casiguran, Aurora,

Nakataas sa public storm signal number 1 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga, Cagayan, Isabela, Ifugao, Mt. Province, La Union, Pangasinan, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Quezon Kabilang Ang Polillio Island, Catanduanes, Sorsogon, Albay at Camarines Provinces. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply