Bagyong ‘Kabayan’ nakapasok na sa PH

NASA loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Kabayan.”

Dakong alas-dos ng hapon ngayon, Huwebes ng tuluyang makapsok sa PAR ang bagyong Kabayan.

Base sa weather updates ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ni Kabayan sa layong 1,000 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Catarman, Northern Samar.

Si Kabayan ay nagtataglay ng hanging may lakas na umaabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kph.

Tinununtun ng bagyo ang pangkalahatang direksyon na pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, ang bagyong “Juaning” ay patuloy na nagbabanta sa Hainan Island.

Huling namataan ang sentro ni Juaning sa layong 560 kilometers sa kanluran-hilagang-kanluran ng Laoag City.

Ito ay may taglay pa ring lakas ng hangin na umaabot ng 95 kph malapit sa gitna at pagbugsong nasa 120 kph.

Inaashang nasa layong 270 kilometer na ng timog-kanluran ng Hong Kong bukas si Juaning.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply