Bagyong ‘Kabayan’ napanatili ang lakas

NAPANATILI ng bagyong “Kabayan” ang lakas nito pero wala naman itong direktang epekto sa Pilipinas ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa PAGASA, ganap na 10:00 ng umaga nang mamataan ang bagyong Kabayan sa layong 810 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay ni Kabayan ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 100 kilometro bawat oras.

Ang naturang bagyo ay kumikilos sa direksyon ng hilagang kanluran papunta sa direksiyon ng timog ng Japan sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Samantala, makakaranas pa rin ng maulap na kalangitan ang iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Hanging Habagat na siyang dahilan ng mga pabugso-bugsong pag-uulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply