Bahrain nangangailangan ng Pinoy medical workers

MAKARAANG mapaso na ang travel ban patungo sa Bahrain at iba pang kalapit na bansa, nagpahayag ang pamahalaan nito ng interes sa pagkuha ng mga Filipinong medical worker.

Ayon kay Philippine Ambassador to Bahrain Corazon Yap Bahjin, nangangailangan ng medical staff ngayon ang American Mission Hospital, King Hamad Hospital at Royal Hospital.

Nilinaw naman ni Bahjin na bagama’t inalis na ang travel ban sa Bahrain ay inaasahan ang non-essential travel doon.

Matatandaang dahil sa political tension sa Bahrain ay nagpatupad ng travel ban ang gobyerno para na rin sa kaligtasan ng mga Pinoy doon.

Kaugnay nito, inamin naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maraming mga Pinoy ang mas gustong manatili sa ibang bansa kaysa magtayo ng negosyo sa Pilipinas.

Lumalabas sa pag-aaral ng OWWA na walo sa sampung overseas Filipino worker (OFW), karamihan ay mula sa Middle East, ang nais bumalik sa ibang bansa upang magtrabaho.

Sa kabila nito, sinabi ni OWWA Chief Carmelita Dimzon na tuloy pa rin sila sa paghihikayat sa mga OFW na dito na lang sa Pilipinas mag-invest ng pangkabuhayan.

May inaalok din naman aniya silang loans na maaaring gamiting puhunan ng mga Pinoy worker sa pagtatayo ng negosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply