Bakas ang ‘political will’ ni PNoy

MAGALIT na ang magagalit, basta ang sa kanya’y trabaho lang dahil nais niyang baguhin ang kalakaran na magbibigay-pag-asa sa Pilipinas.

Yan ang nakikita natin sa ipinakikitang estilo ng pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino sa kasalukuyang gobyerno.

Pakiwari natin, matigas ang paninindigan ng Pangulo na isakatuparan ang nararapat na reporma para sa kapakanan ng bansa.

Sa madali’t sabi, bakas ang ‘political will’ ni PNoy na isulong ang mga reporma sa kabila ng matinding pagtutol ng nasasagasaang mga kritiko.

Nababanaag natin sa Pangulo ang pagpapakahirap para makaahon ang mga mahihirap, paunlarin ang ekonomiya at ipatupad ang maayos na pamahalaan.

Buhay na ebidensya ang halos 2 milyong pamilya na nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Conditional Cash Transfer (CCT) na ipinapatupad ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD) sapul pa noong Hunyo 2011.

‘Di rin kuwestiyon na determinado si PNoy na palawakin ang mga programa at pataasin ang mga rehistradong benepisyaryo hanggang 1.7 milyong pamilya.

Laging may puwang ang binatang lider sa mahihirap. Patunay ang walang puknat nitong pamamahagi ng tulong sa mga ito.

Tulad ng supplementary feeding program checks, PhilHealth cards at sertipikasyon ng 4Ps, social pension para sa indigent senior citizens checks, sertipikasyon ng land ownership awards (CLOAs) at ayuda para sa sektor ng agrikultura.

Hindi nakapagtataka na magbato ng walang basehang kritisismo ang mga kalaban na naaapektuhan ng reporma na nakaayon sa transparency.

Pananaw natin, tama rin ang desisyon ng Pangulo sa pagsasampa ng mga kasong katiwalian base sa mga ebidensya laban sa mga tiwaling opisyal ng nakalipas na administrasyon.

Sa totoo lang, dahil sa kampanya ni PNoy laban sa korapsiyon, ang Office of the Ombudsman ngayon ay nagtatrabaho na, kumpara noong panahon ni Gloria Arroyo. Nagkakaroon na ng mabilisang imbestigasyon sa mga kasong isinasampa sa Ombudsman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply