Bakit mukhang problematic si Piolo?

PARA ngang problematic at wala sa mood si Piolo Pascual nung maulan at makulimlim na Sabadong humarap siya sa press kaugnay ng paglulunsad ng latest TV commercial ng Sun Life Financial sa World Trade Center.

Pero “parang” lang naman. At hindi naman talaga siya umiiwas sa press, na siyang ini-imply ng ilang TV reports. Medyo nagmamadali lang siyang makaalis dahil may commitment din pala siya sa ABS-CBN nung hapon na iyon.

Actually, konti lang ang press na kinumbida sa event na yon, kung saan pinagsama-sama ang entertainment at showbiz reporters. Maliit lang ang Carte Blanche restaurant na pinagdausan ng paglulunsad.

Attentive naman si Piolo sa press. In fact, maski nga ang medyo napapalakas na pribadong usapan ng press people ay napuna n’ya. And he sweetly called the attention of those mildly disruptive press guys–possibly because he knew who those guys were.

Actually, kami ni Edgar Cruz yon. At ako yung medyo napalakas yung boses (at may reputasyon na kami for our booming voice and irrepressible ways). Si Edgar ang malapit sa marketing staff ng Sun Life. Siya ang nangumbida sa amin sa event na yon. At pareho naman kaming kilala ni Piolo.

Ang napalakas na tanong namin kay Ed in English para kay Piolo ay kung may separate talent fee pa rin ito, bukod sa idinu-donate na cash ng Sun Life sa Hebreo Educational Foundation ni Piolo para sa pag-aaral ng scholars ng aktor. Itinanong namin yon kay Ed nang pabulong (well, para sa amin bulong pa lang ang volume ng boses namin na yon), pero naulinigan pala ni Piolo yon just about 5 meters away. He sweetly commented, addressed to our table in particular, “May I answer that question later?” We had to apologize for our loud “whisper.”

Pagkatapos na pagkatapos ng press-con, nang pumunta kami sa maliit na comfort room sa labas ng restaurant (na nasa 2nd floor ng World Trade), inabutan namin sa maliit na common wash area ng CR ang aktor na hinihintay lumabas kung sino man yung nasa loob ng maliit na men’s room. Si Piolo pa ang naunang bumati sa amin, dahil nagulat nga kami na andu’n siya. Akala kasi namin ay nakaalis na siya.

“Tito, what were you asking na nga awhile ago?” bati n’ya sa amin.

Inulit namin yung tanong namin, at ang sagot n’ya ay oo naman, may talent fee siya for endorsing Sun Life. “But much of that talent fee, I also turn over to our foundation so we can send more children to school.”

Natatandaan naming sinabi n’ya nung press-con sa loob ng restaurant na yung scholarship na ibinibigay ng foundation n’ya ay hanggang sa college. At halos may 100 na umano ang pinapaaral nila. (Sori, lagi naming nakakalimutang itanong sa kanya kung sinu-sino ang mga kasama n’yang opisyal at administrators ng Hebreo Foundation.)

So, yun nga, hindi naman umiiwas si Piolo na makipag-usap sa press that early evening (4 p.m. ang iskedyul ng press-con, kaya inabot na rin ito ng almost 7 p.m.). In fact, pagbaba namin nina  Edgar at Justin Mata from the restaurant, nadaanan pa namin sa ground floor lobby na may ilang TV coverage teams na nag-iinterbyu kay Piolo. Ang isa ru’n ay ang crew ng “Paparazzi” ng TV 5, at napanood namin ang interview sa studio mismo ng Paparazzi the next day (dahil isa kami sa mga kinumbida para umupo sa Press Conference segment ng show).

Nung nasa Paparazzi studio kami, comment sa amin ng isa sa mga hosts ng show na si Dolly Ann Carvajal, na parang haggard at payat si Piolo du’n sa interview sa Sun Life media event.

Sagot naman namin ay baka sa pagka-anggulo lang yon ng kamera. In person, matipunung-matipuno naman ang aktor.

Oo nga pala, may konting bigote si Piolo ngayon, dahil kailangan yata n’ya yon para sa pelikulang ginagawa nila ni Angelica Panganiban para sa Star Cinema.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply