Bakla, tibo sa BJMP bawal na mangapkap sa dalaw

MAHIGPIT na ngayong ipinagbabawal sa mga tomboy at baklang opisyal ng Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) mangapkap sa mga bumibisita sa mga bilanggo upang maiwasan ang reklamong sexual harassment.

Ang pagbabawal ay ipinalabas ni BJMP director Rosendo Dial hindi para alipustain ang kasairan ng mga tomboy at bakla kundi para pangalagaan ang buong publiko.

“The BJMP never looks at the person’s sexual preference whether he is a gay or lesbian. We know that like anyone, they do have their own rights. But our job, as the law mandates us to do, dictates that we have to ensure safety in all our facilities. And while doing it, we want everything to be in order,” ani Dial.

Nakasaad sa Anti Sexual Harassment Act 1995 na ang bawat employer at pinuno ng education institution ay hindi dapat nasasangkot sa panga-abusong sekswal

“Wala po kaming nais na hiyain ang sinuman, ang tanging intention lamang naming ay protektahan ang mga bisita at preso laban sa anumang uri ng sexual harassment,” ayon kay Dial

Layunin din ni Dial na maiwasan ang maling isipan na ang mga kinakapkapang bisita ay napagsasamantalahan o sinisilipan lamang ng mga bakla at tomboy na opisyal. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply