Baklas billboard sa EDSA suportado ng Senado

NAKAKUHA ng kakampi si Mandaluyong Mayor Benhur Abalos mula sa isang senador sa pagbabaklas sa billboard ng miyembro ng rugby team ng Pilipinas na “The Volcanoes” sa harap ng kritisismong inaani ng opisyal.

Nanindigan si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na suportado niya ang ginawa ni Abalos sa paniniwalang hindi maganda sa paningin ng kabataan ang malaswang imahen na nakahambalang sa paningin ng mamamayan sa lugar.

Bukod sa malalaswang billboard, nais ng senador na chairman ng Senate committee on public works na higpitan din ng mga lokal na pamahalaan at kinauukulang sangay ng gobyerno ang naglalakihang sukat ng mga billboard.

“Pati yung sizes, wag masyadong malalaki. Kung regulated ang sizes, hindi masyadong nakakatakot na maka-disgrasya ito,” paliwanag ni Revilla.

Binanggit pa nito na noong nakaraang Kongreso, inaprubahan ng Senado ang panukalang batas para sa regulasyon ng billboard subalit ito’y binuro lamang sa Kamara de Representantes.

Si Sen. Miriam Defensor Santiago ang naghain ng nasabing panukala dahil sa nakaka-distract umano sa mga motorista ang naglalakihang billboard sa tabi ng kahabaan ng EDSA at iba pang kalsada sa Metro Manila, kung saan marami dito ay mga nagpapakita pa ng kalaswaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply