‘Balik Pinay, Balik Hanapbuhay’ tinatamasa na ng kababaihang OFW-returnees

TINATAMASA na ngayon ang bagong oportunidad pangkabuhayan ng ilan sa 459 kababaihang overseas Filipino worker (OFW) returnees sa ilalim ng Balik Pinay, Balik Hanapbuhay (BPBH) project na isinusulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang sa naturang OFWs ang household service workers (HSWs) o kasambahay na dumanas ng mababang sweldo, pisikal at emosyonal na pagmamalupit ng kanilang employers sa abroad matapos na sumaialalim sa mga pagsasanay at mabigyan ng start-up kits ng BPBH upang agad na makapagsimula ng bagong pamumuhay.

“The BPBH beneficiaries have undergone training on haircutting, foot spa, manicure/pedicure, massage therapy, fashion jewelry making, candle and soap making, and flower arrangement,” ayon kay Director Vivian Tornea, National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Naitatag ang proyekto sa pamamagitan ng DOLE Administrative No. 77, series of 2011, na ipinalabas ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz. Ang BPBH project ay magkatuwang na proyekto ng DOLE at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pinopondohan din ng NRCO.

Ang BPBH project ay ‘pilot run’ kasabay ng pagsasagawa ng National TVET Assessment and Certification (NATCAC) training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong Marso 28-Abril 1, 2011.

Ayon kay Tornea, ipinatutupad ang proyekto upang matulungan ang kababaihang OFW returnees na agad na makapagsimula ng kabuhayan, pamumuhay at maitaguyod ang pamilya.

Nitong Hulyo 7, 2011, inimplementa ang proyekto sa anim na rehiyon – National Capital Region (NCR) at sa Region I (Ilocos), VII (Central Visayas), IX (Zamboanga Peninisula), X (Northern Mindanao), at  XI (Davao Region) na umabot sa kabuuan na 459 kababaihang OFW returnees kabilang na ang lumahok sa pilot run.

Nagsagawa ang Regional Welfare Office (RWO) I ng tatlong skills training o pagsasanay na napakinabangan ng 159 OFWs, ang pinakamataas na bilang ng lumahok sa regional level, sinundan ng RWO X na nagsagawa ng apat na skills training na nilahukan naman ng 113 OFW.

Tinukoy ni Baldoz na kumikita na ng higit sa P500 sa isang linggo ang mga benipisaryo ng programa sa Ilocos sa pamamagitan ng home service sa mga pagsasanay na natutunan nila sa paggugupit, foot spa, manicure/pedicure, at make-up.  Ilan din sa NATCAC trainees ay mabilis na nakapasok sa beauty salons pagkatapos ng pagsasanay.

Sa NCR, pinakikinabangan na rin ngayon ng may 30 kababaihang OFW returnees ang natutunan mula sa BPBH project kabilang si Irene Castillo, isang caregiver mula sa Kuwait na bumalik ng Pilipinas noong 2010 dahil sa mababang sweldo at labis na pagnanais na muling makapiling ang kaniyang pamilya sa Sta. Ana, Manila.

“Kumikita na ako kahit papano mula sa natutuhan ko sa training sa massage therapy. Kasama ko pa ang pamilya ko,” ani  Irene.

“The initial earning of the beneficiaries using the skills they learned under the BPBH project may be small but it spells a difference to some OFWs who previously worked abroad without getting paid, but can now be able to bring food on the table to be shared by the family,” paliwanag pa ni Baldoz.

Ipinatutupad ang proyektong ito upang makatulong sa OFWs na magkaroon ng alternatibong kabuhayan kung nais nilang mamalagi na lang sa bansa matapos na makipagsapalaran sa abroad.

“These efforts support the policy of the Aquino administration to veer away from pursuing overseas employment as a development strategy and to establish policies and alternatives that would encourage OFWs to stay in the country upon their return from overseas work,” pahayag ni Baldoz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply