Balo natangayan ng P.2M

UMAABOT sa mahigit na P200,000 halaga ng alahas, pera at mahahagalang gamit ang natangay sa isang balo matapos na mabiktima ng Budol-budol  sa Sampaloc, Maynila Lunes ng hapon, Hulyo 25.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng MPD-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktima na si Carmelita Santos, 39, upang ireklamo ang limang suspek kabilang ang tatlong babae.

Ayon kay PO3 Abelardo H. Aguilar, ganap na alas-11:30 ng tanghali ng patungo umano ang biktima sa kanyang kapatid at dala-dala nito ang ibat-ibang uri ng alahas na may halagang P150,000, walong pirasong wrist watch na halagang P50,000, cash na P 37,000, mga papel de ahensya na umaabot sa halagang P73,500 at  mga importanteng papeles at dokumento.

Bigla umano siyang hinuntuan ng isang kotse at kunwari ay nagtanong kung alam nito ang lugar na Alquisiras.

Dahil kabisado umano ng biktima ang lugar ay pinaunlakan siyang sumakay sa kotse kung saan huminto umano sila kahabaan ng Vicente Cruz at Espana st. sa Sampaloc, Maynila.

Ipinagkatiwala umano ng mga suspek ang isang bag na naglalaman ng P1.5 milyon sa biktima nang iwanan ito sa kanya kapalit ng mga dala-dalang alahas, pera at iba pang mahahalagang gamit nito.

Nagpaalam ang mga suspek na magpapa-gasolina muna sila ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang mga ito kaya nagtungo ito sa himpilan ng pulisya upang magreklamo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply