Ban sa OFWs sa Saudi simula na

PATULOY na nakikipag-ugnayan si Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa kanyang mga counterparts sa Saudi Arabia upang makahanap ng solusyon sa ipinairal na ban simula ngayong araw, Hulyo 2, ng Labor Ministry ng Saudi.

Apektado ng ban ang may 90,000 OFW na nagtatrabaho bilang mga domestic helper matapos hindi magkasundo ang dalawang bansa kung magkano ang salary cap na susundin para sa mga manggagawa.

Itinaas ng pamahalaan ng Pilipinas ang sahod ng mga domestic helpers sa $400 kada buwan na tinanggihan ng Saudi Labor Ministry at nag-alok ng $200 dolyar kada buwan na pasahod na hindi naman pinaboran ng mga opisyal ng Pilipinas.

Aminado naman ang Saudi Labor Ministry na ikinasa  ang ban sa mga OFWs dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang partido sa usaping ng pasahod sa mga OFWs.

Nais ding linawin ng pamahalaan kung ang ban ay para lamang sa mga bagong mag-aaply pa lamang at hindi madadamay ang mga nagtatrabaho na sa kasalukuyan.

Dahil sa naturang ban ay itinigil na ng Saudi Labor Ministry ang pag-iisyu ng visa sa mga aplikante at pagpoproseso ng kanilang mga dokumento, beripikasyon at authentication ng mga employment contracts.

Sinabi naman ni Sen. Loren Legarda, chairperson ng Senate committee on foreign relations, na kailangan na umanong magdaos ng ika-apat na  Joint Commission Meeting (JCM) sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang pinakahuling pag-uusap ng JCM ay noon pang 2008. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply