Banaue Rice Terraces tuluyang nasisira

NANGANGANIB na tuluyan nang masira ang Banaue Rice Terraces, isa sa mga pinakasikat na tourist spot sa Pilipinas, at nangangailangan na itong protektahan at ipreserba.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, dapat bigyang-pansin ang magagandang tourist spots ng Pilipinas na siyang yaman ng bansa na nakadaragdag sa kita ng bansa.

Nabatid ng gobyerno ang impormasyon hinggil sa pagkasira ng isa sa dating kabilang sa Seven Wonders of the World, mula sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco).

Base sa impormasyon, pinamugaran na ng mga malalaking bulate ang terraces na siyang dahilan ng pagkasira ng mga pananim dito.

Bukod sa pagiging tourist spot ay nagbibigay din ang rice terraces ng trabaho sa mga magsasaka sa Cordillera.

Binigyan-diin ni Legarda na dapat magkaroon ng kongkretong programa ang gobyerno upang mapreserba ang Banaue Rice Terraces upang mapigil ang patuloy na pagkasira nito.

Tinawag ni Legarda ang pansin ng national government, Department of Science and Technology, at ilan pang mga government at private organizations upang magkaroon ng plan of action kung paano maprepreserba ang nasabing tourist spot ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply