Banggan ng Simbahan at pamahalaang PNoy

LUMALALA ang hidwaan ng gobyernong Aquino at Simbahang Katoliko.

Batay ito sa mga nagaganap makaraang lumabas sa bulwagan ng Senado ang mga obispo na iniimbestigahan ng mga senador ukol sa mga “Pajero” bishop.

Noong una, si “Wow, Mali” PCSO tserman Margie Juico lang ang tinawagan ng mga bishop na mag-ay em sori.

Ngayon, idinamay na rin nila si PNoy na mag-ay em sori rin.

Ang tanong dito: susunod kaya ang dalawang onorabol sa gustong mangyari ng mga obispo?

Pasasakop ba ang dalawa sa nakaugalian ng mga matatandang lider ng mga simbahan na kailangang lumuhod sa kanila ang mga pinuno ng mga bansa na tulad nina PNoy at Juico?

Sumagot na nga si Juico sa pagsasabing, “Wala nga silang natanggap na Pajero, totoo namang tumanggap sila ng sasakyan.”

O di ba, mga mahal na obispo?

Paano ninyo aasahan si PNoy na mag-ay em sori, eh, bosing ni Juico si PNoy?

oOo

Alam ba ninyo ang posibleng mga darating na senaryo kaugnay ng usapin?

Isa rito ang pagbabantay ng kabulukan sa isa’t isa.

Ngayon, sino ang makatatagal sa posisyon sa pasingawan ng baho ng isa’t isa, huh?

Sina PNoy, hanggang 2016 lang.

Eh ang mga obispo?

Ang isang mahalagang tanong dito, eh, may kakayahan bang magpatumba ang mga obispo ng pamahalaan at magpalayas ng demonyo sa puwesto katulad noong mga panahon nina Cardinal Sin at Padre Damaso?

Makikita natin ito sa mga susunod na araw…kung magpapatuloy ang banggaan ng mga obispo at nasa Palasyo.

Pansamantala, ang magagawa natin ay mag-ulat ng away ng mga ito. He he he!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply