Bangkay ng bata nalambat ng mangingisda

ISANG hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nalambat ng mangingisda sa halip na isda sa karagatan ng Navotas City Sabado ng umaga sa naturang lungsod.

Inilarawan lamang ng pulisya ang biktima na nasa edad 10-12, nakasuot ng kulay brown slacks at puting sando at kulay itim na sapatos.

Ayon kay Dennis Tranguia, mangingisda, dakong alas 6:00 ng umaga habang nasa laot siya ng Baclad Manila Bay, Navotas sa Barangay North Bay Boulevard North (NBBN) ay naramdaman niyang mabigat ang kanyang hinihilang lambat.

Nang kanya itong iahon ay isang batang lalaki ang nakapasok sa kanyang lambat dahilan upang ipagbigay-alam niya nito sa pulisya habang dinala sa Marcelo Funeral Homes ang labi ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posible umanong nalunod ang bata habang naglalaro sa dagat. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply