Bangkay ng batang babae lumutang sa ilog

PATAY na nang matagpuan ang isang batang babae habang palutang-lutang sa isang ilog sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Michaela Comcom Mendoza, 3, ng Culiat Bridge, Brgy., Bahay Toro, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente sa River Bank, Dario River, Malao St., Brgy., Masambong, bandang 5:00 ng hapon.

Nabatid na habang naglalakad ang isang lalaki sa tabing ilog ay namataan niya ang isang bata na nakalutang sa nasabing ilog kaya agad niya itong nilapitan upang alamin ang nangyari.

Nang kanyang lusungin ay mabilis niyang inahon ang paslit upang isugod sa sa pagamutan subalit idineklara ni Dra. Jennelyn Catalbas na dead on arrival ang biktima.

Sinasabing bago pa pangyayari, inihabilin ni Mary Jane Mendoza ang biktima sa kanyang kapatid na si Ella Medonza.

Nang dumating ang nanay ng biktima para sunduin ang kanyang anak ay laking gulat nang sabihin sa kanya ng kapatid na nahulog ang biktima sa ilog at dahil sa lakas ng agos ng tubig ay hindi na nila nagawa pang sagipin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply