Bangkay ng dayuhan nahukay sa isang piggery

WALA ng buhay at nakabaon na ang bangkay sa lupa nang matagpuan ang iniulat na nawawalang Canadian national sa isang babuyan sa Cebu City.

Dahil naagnas na ang bangkay, isinailalim na agad sa awtopsiya ang bangkay ng biktimang si Darci Hanz Rentenberg, 50, residente ng Barangay Adlaon, Cebu City, upang malaman kung ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Tinutugis na ng pulisya ang kasama sa bahay ng biktima na isang nagngangalang Rolando Abuyot at ang misis nitong si Marilyn para isailalim sa interogasyon at magbigay na rin ng linaw sa krimen.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang bangkay ng biktima Huwebes ng gabi (Hulyo 14) sa isang pig pen na ilang metro lamang ang layo sa bahay nito.

Bago ito, nagdeklara ang mga kamag-anak nito na nawawala ang naturang banyaga noon pang Hulyo 2 nang hindi na ito sumasagot sa kanilang mga pagtawag.

Samantala, lalo namang lumaki ang hinala ng mga kapitbahay ng biktima nang biglang magtayo si Aburot ng babuyan isang araw matapos ideklarang nawawala si Rentenberg.

Maaring anilang ikinasa ni Aburot ang paglibing sa bangkay ng biktima sa mga alanganing oras o sa madaling araw.

Ayon pa sa kapitbahay, si Aburot ay nakatira at inaalagaan ng biktima.

Sa pahayag naman ng barangay captain na si Elvis Narra, dumulog sa kanila ang asaawa ni Aburot na si Marilyn, para i-report na may dumukot sa kanyang mister habang hinahanap si Rentenberg.

Gayunman, tulad ni Aburot ay hindi na rin ito nakita pa.

Hinala naman ng pulisya na ang sinasbaing pagdukot ay gawa-gawa lamang ng mag-asawa para hindi masangkot sa kasong pagkawala ni Rentenberg.

Hindi naman mabatid pa ng pulisya kung mayroong mahahagalang kagamitan na nawawala sa bahay ng biktima pero malaki ang posibilidad na ang pagpatay dito ay may kaugnayan sa pagnanakaw.

Naniniwala rin ang pulisya na ang mag-asawang Aburot ay nagtatago na sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply