Bangong puri sa huling laro sa Air21 Express

ISANG pagbabangong puri at graceful exit ang inaasam ng Air21 Express sa pang-anim nilang laro sa PBA Governor’s Cup ngayong gabi kasunod ng 86-93 na kabiguan nila laban sa Meralco Bolts noong Hulyo 6.

Masasabak sila laban sa Barangay Ginebra na hangad na makatikim ng unang panalo sa 9-team standings, subalit malaking problema sa tropa ni Bong Ramos na ang kahaharapin ay ang crowd favorite na Ginebra Gin Kings mamayang alas-7:45 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Sa kabila na hindi makalalaro sina Barangay Ginebra import Curtis Stinson at Willie Miller dala ng karamdaman ay makabablik naman sa hard court ang kalahati ng fast and furious na sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand na kagagaling din sa karamdaman. Magbibigay sigla sa Barangay Ginebra ni coach Jong Uichico ang mga supporter na paboritong koponan sa PBA professional league.

Tulad ng Air21 Express kapwa maghahangad din ng panalo ang Alaska Aces at ang Powerade Tigers para makaiwas sa maagang elimination.

Tangan ng tropa ni coach Bo Perasol at Tim Cone ang 2-3 win-loss record.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply