Bantang contempt, panggigipit sa mga Arroyo

PANGGIGIPIT sa pamilya Arroyo ang bantang posibleng i-contempt si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sakaling hindi daluhan ang gagawing pagdinig ng Kamara ukol sa diumano’y dayaan sa ARMM at PCSO.

Ito ang mga pahayag na binitiwan ni Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni Arroyo matapos sabihin ni House Majority Leader Neptali Gonzales na maaaring i-subpoena at ipa-contempt ng Kamara si GMA.

Sinabi pa ni Lambino na nagtataka siya kung anong rules ang pinagbatayan ng liderato ng Kamara sa pag-oobliga kay GMA na paharapin sa mga pagdinig.

Iginiit pa  ni Lambino na nakasaad sa patakaran ng Kamara na hindi nito maaaring obligahin ang sinumang miyembro na magpaliwanag sa anumang committee hearing maliban na lamang kung miyembro ito ng isang komite at kailangang magkaroon ng quorum.

Dapat pa rin umanong pairalin ang interparliamentary courtesy sa kapwa miyembro ng Kamara dahil pantay-pantay lang ang kapangyarihan ng mga kongresista.

Pinasaringan din ni Lambino si Gonzales sa pagsasabing nais lang sumayaw sa tugtog ng Malacañang kahit malabag ang karapatan ng kanyang kapwa mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply