Bantay-salakay ng PCSO ang pinakamapanganib

MAY kasabihan tayong mga Filipino na ang pinakamapanganib na tao sa balat ng lupa ay ang taong bantay salakay.

Ito ang nabuking ng mga senador natin sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing sa mga anomalya at korapsyon sa PCSO na naganap noong nakaraang rehimen.

Natuklasan kasi ang pagiging bantay-salakay umano ni ex-PCSO board member Manuel Morato matapos siyang idiin ni Sen. Jinggoy Estrada na ipinagbili nito ang Best Western Astoria Hotel sa halagang P785 milyon sa Perdana Land Phils., Inc.

Si Morato noon ang pa-ngulo ng T.F. Ventures, ang may-ari ng naturang otel, samantalang ang Perdana Land Phils. ay konektado naman sa Malaysian Company na Berjaya na dating Phil Gaming and Management Corp. (PGMC) na siyang nagpaparenta ng computer system sa PCSO.

Natuklasan ng mga senador ang conflict of interes ni Morato dahil board member siya sa PCSO at pangulo naman siya ng kompanyang nagbenta ng prime property na konektado sa PGMC.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na siya’y bantay-salakay dahil nabunyag sa hearing ang mga anomalya sa PCSO dahil sa pagpasok sa deal ni Morato sa isang kompanya na konektado sa PGMC.

Isa pang kuwestiyon  ng mga senador ay kung bakit hindi binili ng PCSO ang computer system sa halagang $25  milyon gayong ang naibayad na ng PCSO sa renta ay $148 milyon na sana ay nakatipid ang PCSO ng $123 milyon.

Sinalakay rin ni Morato ang pera ng PCSO nang siya ay gumastos ng P60 libo bawat linggo sa kanyang NBN-4 “Dial M” show na ginamit lamang niya sa electionee-ring noong 2010 presidential elections. Ginamit din noon ni Morato ang nasabing TV show para siraan ang oposisyon na kinabibilangan ngayon ni Pangulong Noynoy noong halalang 2007.

Hindi ba maliwanag pa sa sikat ng araw na si Morato ay bantay-salakay?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply