Baraquiel, Agojo magtutuos sa Women’s Trans AM

PAPASOK na sina top seed Sunshine Baraquiel at Jayvie Agojo sa round of 16 sa match play phase ng 81st Women’s Trans Amateur Golf Championship sa Sheridan, Wyoming.

Si Baraquiel, ang 36-hole stroke play low medalist winner, ay nalakdangan si  Danielle Bellet ng San Diego, 3 at 2, sa round of 64.

Kasunod nito ay umiskor naman siya ng 1-up victory laban kay Catherine Dolan ng  Missouri sa 19 holes ng round of 32.

Samantala, ang nagbabalik na si  Agojo ay nakalusot sa kamay ni Lauren Falley ng Kansas sa 2-up.

Nadale niya rin ang magandang landas niya taglay ang 2 at 1 wins laban kay Emily Childs ng California.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply