Barbie, Joshua ang tindi ng ilusyon!

INIINTRIGA sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na may attitude at kapag break ng taping ng kanilang show ay nasa loob lamang sila palagi ng tent at hindi nakikisalamuha sa mga kasamahan nilang artista.

Pero ang dahilan nila kung bakit nagbababad sila sa loob ng tent ay dahil sa mainit na panahon sa labas. At dahil daw maraming tao sa labas, hindi pinapayagang lumabas ng tent ang sikat na teen tandem para huwag magkagulo at huwag magambala ang taping. Sa tanong kung ano ang madalas nilang pagka-abalahan during breaks, nanonood daw sila ng movies sa Ipad.

“Marami pong tao sa tent, at hindi rin naman kami madalas nakakapag-stay sa tent kasi sunud-sunod lagi ang eksena namin,” paglilinaw nila.

***

MASAYANG-masaya ang Mocha Girls sa magandang pagkakataon na dumating sa kanila at makasama ang mga international singers na magtanghal sa MEYDAN DUBAI kung saan doon nag-concert si Elton John, Santana, Sting.

“Im so happy kasi this is the biggest event of the year sa Dubai, E of Ramadan, the foreign producer survey the Filipino community and they said Southborder and Mocha Girls. Nakakataba ng puso.

“Pero di lang ‘yun, the boss made their own research sa mga foreigner kasi they don’t just rely if you are famous but they really want quality performance na makakasabay kina J-Lo at Pitbull,” sey ni Mocha Uson.

Talbog!

***

TALK of the town ang ‘storm’ na dumating sa buhay ni Ruffa Gutierrez. Ito’y tungkol sa child custody case  ng actress-tv host at ng estranged husband niyang si Yilmaz Bektas. Nagsimula ang issue nang mag-tweet ang aktres/TV host na nakatakda niyang harapin ang aniya’y biggest battle of her life na later ay na-reveal na may kinalaman nga sa kustodiya ng dalawa nilang anak na sina Lorin and Venice.

“Last March 11, 2010, branch 107, the presiding judge Jose L. Bautista, Jr. gave the decision that I have sole custody of the children, and Yilmaz has visitation rights here in the Philippines,” sey ni Ruffa.

“Alam ng mga tao ‘yan. For one year, humihingi ako ng tulong sa kaya, hindi dahil kailangan ko ng pera niya, pero dahil tatay siya ng mga anak ko, it’s his responsibility to at least, pay for the school. Hindi na sa akin dahil maraming salamat at maraming kumukuha para magtrabaho ako. I send my kids to international school,” umiiyak na sabi ni Ruffa.

Ikinuwento rin ng aktres/TV host na around last week ay nakatanggap siya ng long email from Yilmaz at nakaka-shock daw ang laman. Hindi na raw niya ito sinagot at sa halip ay pinadala na lang sa kanyang lawyer para at least ay may kopya ito.

Pero mas ikinaloka ni Ruffa na nakipag-ugnayan na rin pala si Yilmaz sa GMA News at kay Ricky Lo (Startalk TV host/entertainment editor) at may email na ring ipinadala.

Sey ni Ruffa, kung anu-ano raw na kasiraan niya ang sinabi ni Yilmaz sa email at gustong magpa-interview sa GMA dahil marami pa raw itong sasabihin.

“I was just really devastated and basically, gusto ni Yilmas ng custody sa mga bata,” aniya.

Sabi pa ni Ruffa ay tinawagan na niya personally si Yilmaz para kausapin at pakiusapan na huwag nang paabutin pa sa media at sila na lang ang mag-usap.

“My kids are six and seven years old already, hindi na katulad ng dati na pwede tayong mag-away sa TV, mga bata pa sila no’n, and I even regret that because I know, one day, mababasa nila ‘yun sa internet. But now they go to school, they can read.

“And pinakausap ko ang mga bata kay Yilmaz, thank God na nag-calm down siya, and sabi niya okay. Basta, we were trying to come up with an agreement na we can meet halfway, na maging masaya siya, maging masaya ako.”

Ang gusto raw mangyari pa ni Yilmaz ay ipadala ang mga bata sa Istanbul, Turkey  pero tinututulan ito ng aktres/TV host.

“You know, sana kung normal siyang tao. Hindi ko sinasabing abnormal siya, pero sana kung may trust ako sa kanya and may tiwala ako sa kanya. Ang dami namang divorce families, di ba? Every summer, pwede mo nang ipahiram ang mga bata sa kanya, pag-winter, sa akin naman. Wala namang problema, we can come up with a solution.

“Pero in 4 years, lahat ng promise niya, hindi naman niya tinutupad. Everytime, sinasabi niya, pupunta siya rito, ang mga bata, naghahanda, umiiyak. Siyempre, nami-miss siya.”

Pero bilang nanay ay natatakot naman daw siya na ipadala ang mga bata sa Istanbul. Pwede naman daw bisitahin ni Yilmaz ang mga bata rito anytime kahit gaano pa katagal.

“Kung gusto mo sa America, okay lang din, pero please, huwag naman sa Turkey,” bulalas pa ni Ruffa.

Masaya na rin daw siya na nakapag-usap na sila ni Yilmaz at napakalma na niya ito. Nagbigay daw ito ng short interview kay kuya Ricky at sana raw ay hanggang doon na lan ‘yun.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply