Barbosa papalapit sa ikalawang GM norm

ISANG panalo o dalawang draws ay makukuha na ni IM Oliver Barbosa ng kanyang ikalawang grandmaster norm matapos pisakin si Asia’s first GM Eugene Torre sa seventh round ng National Championship “Battle of the Grandmasters” na ginaganap sa 5th floor ng National Press Club sa Intramuros, Manila Martes ng gabi.

Tangan ni reigning Campomanes cup ruler sa Myanmar Barbosa ang puting piyesa ng pataubin si Torre sa 32 moves ng Bogo-Indian at ilista ang 5.0 puntos mula sa three wins at four draws sa event na may 14-players single round robin system.

Ayon kay international Arbiter Gene Poliarco maaring makakuha ng GM norm si Barbosa kapag naka-six points siya sa siyam na laro depende sa lakas ng kanyang nakalaban.

Subalit para kay Barbosa hindi ang GM norm ang kanyang konsentrasyon ngayon kundi ang makuha ang titulo sa nasabing event na inorganisa ng National Chess federation of the Philippines, (NCFP) na pinangunahan ng presidenteng si Prospero “Butch” Pichay Jr.

Samantala, nagsosolo pa rin sa tuktok ng liderato si super grandmaster Wesley So na may 5.5 puntos matapos siyang matablahan ni last year’s runner up GM John Paul Gomez sa 37 sulungan ng sicilian defense.

Nasa second spot si Barbosa habang mag-isa naman sa third place si former world cup veteran GM Darwin Laylo na may 4.5 pts. ng tablahan nito si GM Rogelio “banjo”Barcenilla Jr.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply