Barbosa solo lider sa AFPI National Rapid Chess Tournament

NAKOPO ni International Master Oliver Barbosa ang solong liderato sa 2011 Artillery Foundation of the Philippines, Inc. (AFPI) “Chess for a Cause” national rapid chess championships matapos manalo sa kanyang 6th round match nitong Linggo sa Philippine Army Gymnasium in Fort Bonifacio, Makati City.

Ang Taytay, Rizal native Barbosa ay nanaig kontra kay ertswhile co-leader FM Fernie Donguines tungo sa 6 points matapos ang 6 rounds.

Walong manlalaro ang nakabuntot kay Barbosa na may tig 5 points. Ito ay kinabibilangan nina Donguines, GM Rogelio Antonio Jr., IMs Rolando Nolte, Chito Garma and Jan Emmanuel Garcia, Alcon John Datu, Nelson Villanueva at Raymond Salcedo.

Tabla si Antonio kay GM Mark Paragua, tabla din si Nolte kay GM Darwin Laylo, panalo si Garma kay NM Alex Milagrosa, angat si Garcia kay Antonio Chavez, umibabaw si Datu kay NM Rolando Andador, diniskaril ni Villanueva si Jerry Areque at ginulat ni Salcedo si IM Richard Bitoon.

Sa women’s division, ungos si WIM Catherine Perena kontra kay Jenny Rose Palomo tungo sa solo lead na may 5.5 points. Kinaldag naman ni WFM Cherry Ann Mejia kontra si WFM Rulp Ylem Jose sa isa pang featured sa distaff side tungo sa second place na may five points. Ang champion

at runner-up sa women’s division ang siyang kakatawan sa bansa sa rapid event sa SEA Games.

Samantala, nakalusot si Mark James Marcellana kontra kay top seed Giovanni Mejia para makopo ang solo lead sa Kiddies division na may

5.5 points matapos ang six rounds. Magkasalo sa second place na may tig five points ay sina ASEAN+ age-group campaigners Julius Gonzales at Dennis Gutierrez III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply