Barbosa tutok sa 3rd at final GM Norm sa KL Chess Meet

NAKATUTOK si Filipino International Master Oliver Barbosa, ang country’s hottest young chess star na makuha ang kanyang third at final Grandmaster result/norm sa nalalapit na Raja Nazrin Sha Invitational Masters Championships sa September 1 hanggang 9 sa Swiss Garden Hotel and Residences sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nasukbit ng Taytay, Rizal native Barbosa ang first GM result sa 10th Asian Continental Individual Chess Championships sa Mashhad, Iran nitong Mayo. Nakuha niya naman ang second GM result sa katatapos na National Chess Championship: 4th Battle of the Grandmasters sa National Press Club sa Intramuros, Manila nitong Sabado.

Inaasahang mabibigat ang makakalaban niya sa kanyang susunod na torneo kung saan ay kailangan niyang makalikom ng 6.5 points tungo sa final GM result para makumpleto ang kanyang GM title status.

“It is part of my learning experience. I have to learn how to beat stronger players to get my 3rd and final GM result,” sabi ni Barbosa na suportado ang kanyang kampanya niya dito ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr.

Makakasama ni Barbosa sa round-robin tournament na inorganisa ni FM Peter Long ay sina GM Nguyen Anh Dung at IM Nguyen Van Huy ng Vietnam, GM Niaz Murshed ng Bangladesh, GM Tahir at IM Jahongir Vakhidov ng Uzbekistan, GM Wong Meng Kong at IM Kevin Goh Wei Ming ng Singapore, IM/WGM Tania Sachdev ng India at IM Mas Hafizulhelmi ng Malaysia na may nakatayang RM 5,000 para sa magkakampeon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply