Batas para mapigil ang baha isusulong

UPANG maiwasan na ang biglaang pagbaha na tulad ng nangyari sa Davao City kung saan 30 katao ang namatay, isinusulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang batas na nagre-require sa ma urban residential developer na gumawa ng retaining basin para sa tubig mula sa mga drainage system.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, dapat magkaroon ng batas na magbabawal sa mga subdivision na gumawa ng drainage system na direktang tumutungo sa mga water channel na may carrying capacity kaya hindi maaaring idiretso ang tubig mula sa mga subdivision.

Dapat umanong ipunin muna sa isang catchment basin ang tubig bago ito padaluyin nang unti-unti.

Ayon kay Singson, ang panukala ay magbabawal din sa mga malalaking development project sa urban center na padaluyin ang tubig ng direkta sa mga kanal, sapa at ilog.

Pinayuhan ni Singson ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng de-silting sa mga nabanggit na daluyan ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply