Batas laban sa kolorum na sasakyan hihigpitan

HHIGPITAN pa ng Task Force Colorum sa Taguk City, Kalinga ang pagpapatupad ng batas laban sa mga sasakyang walang prangkisa kasama ang pedicabs at tricycles na walang Mayor’s permit.

Ito ang pinagkaisahan ng mga miyembro ng Task Force sa pulong  sa Kapitolyo kanina.

Matagal na umanong inintindi ng taga-pagpatupad ng batas na bumiyahe ang mga colurum na sasakyan sa rason na naka-pila ang kanilang aplikasyon sa prangkisa bagay na ikinalungkot ng Task Force dahil walang nangyari sa pangako ng transport group kahit makakuha man lang ng certificate of public convenience.

Ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng memorandum circular 2003-0028 noong November 17, 2003 ay nagdeklara ng moratorium on the issuance of franchises nationwide.

Pinagkaisahan ng Task Force sa pamumuno ni Atty. Kristian Wandag na ipatupad ang anti-colurum na batas sa anumang klase ng sasakyan at sa lahat ng transport group operators dahil nagdulot ito ng problema at hindi magandang kompetisyon sa transport industry.

Ang LTFRB sa pamamagitan ng memorandum circular 2003-0028 noong November 17, 2003 ay nagdeklara ng moratorium on the issuance of
franchises nationwide.

Bagay naman na ikinatuwa ng mga local na pamahalaan at ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) dahil makakatulong ang paghigpit at pagpatupad ng batas upang makalikom sila ng sapat na bayad at buwis para sa gobyerno.

Sinabihan din ng Task Force ang Philippine National Police (PNP) na isumite sa Land Transportation Office (LTO) ang pangalan ng 35 na
pulis na aatasang magpatupad ng anti-quolurum na batas para sa renewal
ng kanilang deputization.

Sinabi rin ni Jenelyn Angog, Provincial Head ng LTO na asikasuhin niya ang pag-renew ng deputization order ng mga pulis sa madaling panahon at magbigay rin siya ng dagdag na Temporary Operations Permit (TOP) ticket sa mga pulis na manghuhuli.

Nauna nang sinabi ni Secretary Mar Roxas ng Department of Transportation and Communication na gusto niyang malinisan ang mga kalsada laban sa mga bumibiyaheng walang prangkisa para sa “matuwid na  daan” na pamamalakad ni Presidente Aquino.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply