Bawal bang gamitin ang PCSO funds sa kalamidad?

MARAMING mapupulot na aral sa mga pagdinig ng Senado sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

At kabilang sa mga pinagtutuunan natin ng pansin ang puntong tunay na nakatutulong sa mamamayan.

Yun bang === naaayon sa diwa mismo ng PCSO – kawanggawa na nakatuon sa pag-alalay sa mga maysakit at iba pang mga nangangailangan.

MUMURAHING THERMAL PAPER

Para sa mga mananaya, mahalagang punto ang  thermal paper na tiket na ipinaglalaban ni Manoling Morato.

Kinakailangan na magtagal ang tiket sa loob ng isang taon dahil isang taon ang palugit sa pag-claim ng panalo.

Kung sa loob ng kung ilang buwan lang ay malabo, nabubura at hindi na mabasa ng makina ang tiket, walang silbi ang patakarang isang taon na palugit sa pagkuha ng premyo.

At lalong walang silbi ang sinasabi ng PCSO na kung tumaya ka, makatutulong ka na rin sa iba dahil mawawalan ka ng tsansa na gumawa niyan sa kabiguang makakubra ng premyo.

Ang masakit diyan, harap-harapang pandaraya yan sa mga mananaya dahil inaalisan ng PCSO ang mananaya ng karapatan na makuha sa loob ng isang taon ang nararapat sa kanila.

TULONG PARA SA MGA NA-ONDOY

Kinukuwestiyon ng mga utak-ligal ang paggamit ng PCSO ng bahagi ng pondong pang-intelligence para sa mga biktima ng Ondoy.

Para sa kanila, hindi dapat na ginamit ang pondo kundi para sa intelligence lamang na magbubunga ng pagkakakulong ng mga naninira sa operasyon ng PCSO at Small Town Lottery.

Kung itong mga kumokontra sa diversion ng intelligence fund kaya ang nalunod, namatay, nagutom, nawalan ng tahanan, nasiraan ng kinabukasan, nagkasakit, walang mainom na malinis na tubig at wala ni isang kusing sa bulsa para muling bumangon sana?

Kung sila ang may hawak ng nasabing pondo, hindi ba nila gagawin ang paglilipat ng gamit sa pondo bilang panagip sa mga nakaaawang biktima ng kalamidad?

Hindi ba ang pagsagip sa mga nasa gitna ng kalamidad at kamatayan ang isa sa mga pinakamahalagang diwa ng tatak ng PCSO na “CHARITY?”

Marami pa, mga Bro, ang aral na mapupulot natin sa mga pagdinig na magpapatuloy sa darating na linggo.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply