Bawal magpaputok ng baril sa pagbubukas ng Ramadan

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga tauhan na bawal ang pagpapaputok ng baril sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan.

Sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Regional Director, CSupt Bienvinido Latag na parurusahan ang sinumang pulis maging ang kanilang mga hepe kung mapapatunayang nagpaputok ng baril  sa pagsalubong ng buwan ng pag-aayuno ng sambayanang Islam.

Samantala, inihayag din ni Brig. Gen. Rey Ardo, commanding general ng 6th Infantry Division na inatasan na niya ang mga sundalo sa Cotabato City, Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat na huwag magpapaputok ng kanilang baril.

Aniya, pakakasuhan at maaring matanggal sa puwersa ang sinumang mapatutunayang lumabag sa kautusan.

Inihayag din ni Ardo na nakalatag na ang lahat na hakbang upang higpitan ang seguridad sa lahat na lugar na ipagdiriwang ng mga mananampalataya ang isa sa limang pinakamahahalagang haligi ng pananampalatayang Islam. Ang Ramadan ay sisimulan sa Lunes, ika-isa ng Agosto.

Kasabay nito, inatasan na rin ni Colonel Prudencio Asto hep eng 6ID Public Affair Office ang kanyang tauhan na ilatag ang check-point para sa seguridad ng publiko.

Nanawagan din ang military at pulis sa mga komyuter na unawain ang kaunting abala kaugnay sa ginagawang check-point para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply