Bea Binene secret crush ni Derrick Monasterio

NAKATUTUWA naman ang mga bagets na sina Bea Binene at Derrick Monasterio nang pasyalan namin sa set ng movie nilang “Tween Hearts Academy Class of 2012” sa Resorts World kung saan kinunan ang highlight ng movie, ang kanilang junior and senior prom night.

Buong cast ay nasa set, daan-daang extra ang bihis na bihis sa kanilang prom night. Pati sina Bea at Derrick ay bihis na bihis rin.

Di nga namin nakilala sa Bea dahil naka-gown siya. Parang di siya ang 13-year-old girl na kilala naming neneng-nene pa. Bagkus, dalagang-dalaga na siyang kumilos nang hapong iyon na akala mo’y sweet 16 na!.

Ang nakatutuwa pa, dumating kami sa set na kinukunan ang eksena nina Bea at Jake Vargas. Naka-coat and tie naman si Jake.
Talagang guwapung-guwapo ang alaga ni German Moreno. Talagang tama ang pag-aalaga ni Master Showman kay Jake dahil may star potential ang young actor. Bukod sa magaling umarte, magaling pa ring kumanta’t sumayaw.

Anyway, maraming revelations kaming natuklasan sa pagpunta namin sa set dahil sinabi ni Derrick na nagpaalam siya kay Jake na liligawan niya si Bea. Unang kita palang daw kasi niya rito ay iba agad ang kanyang feelings. Kaya tuwang-tuwa siyang friends na silang dalawa. Sa ngayon, isang Lacoste na bag ang pinag-iipunan pa ni Derrick para bilhin kay Bea. Libo rin naman ang halaga nito kasi.

Inamin ni Derrick sa press na pansamantalang tinigilan niya ang panliligaw sa bagets na aktres dahil sa iginagalang niya ang love team nito at ni Jake.

Okay man kay Jake na ligawan si Bea, siyempre, magagalit ang kanilang fans. Magiging kontrabida naman siya.

Maghihintay na lang daw si Derrick kung kailan niya pwedeng ligawan si Bea.

Sa movie ay talagang sweet sina Bea at Jake kahit ang role ni Bea ay isang tomboyish na girl na mahilig sa sports.

Fans nga siya rito ng team ng Azkals, kaya may guest appearance ang mga ito sa pelikula.

Sa August na mapapanood ang movie pero ngayon palang ay marami nang excited na mapanood ito dahil panay kabataan na mula sa cast Tween Hearts ang bida rito.

Top hits ang Tween Hearts ng GMA 7 na mapapanood tuwing Sunday pagkatapos ng “Party Pilipinas.”

***

INAMIN ni Jhake Vargas sa harap ng press people na pumunta sa set ng Tween Hearts Academy Class of 2012 na nagpahayag na siya ng feeling kay Bea Binene. Sinabihan na raw niya ito ng “love kita.”

Pero, wala naman siyang effort para magkalapit silang dalawa nang husto. Hindi man lang daw madalas magtext o natatandaang nagregalo ang binata kay Bea nang kahit anuman. Si Bea pa ang nagregalo ng imported black jacket sa binata noong birthday nito last July 3.

Katwiran ni Jhake, eh, pinagkakagastusan raw kasi niya sa ngayon ang inang may sakit na cancer. Siya lang daw kasi ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan nito kaya paumanhin na lang muna si Bea.

***

GRABE ang paghanga ng Mind Master na si Nomer Lasala kay Solenn Heusaff na na-interview namin after ng kanyang taping sa Studio 1 ng GMA 7. Kasi, una niyang nabanggit ang pangalan ni Solenn sa mga GMA stars na gusto niyang makasama sa show.

Nakasama niya sa taping last Monday sina Rhian Ramos, LJ Reyes at Ryza Cenon pero obvious na trip niya si Solenn.

Sa interview namin kay Nomer ay hanga siya sa beauty at talent ni Solenn kasi multi-talented ang bagong Kapuso Star. Hindi lang siya aktres, at artist, singer pa siya.

Pero kahapon, nabanggit din niya si Marian Rivera bilang isa sa pinakamagandang actress sa GMA 7. Nabanggit niya na si Marian ay may oyster personality. Matigas (o mataray) pero may soft heart kapag nakasama mo siya. Kaya hanga siya kay Marian.

Aabangan sa programa niya sa Linggo pagkatapos ng “Kap’s Amazing Stories” ang paghu-host ng Mind Master ni Cesar Montano.

Mapapanood sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga at gagamitan ng mentalist na si Nomer ng kanyang “power” para mabatid ang lihim ng magsyota.

Nasa episode din sina Jay-R at Geoff Eigenmann para sa portion na “Regression.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply