Bea career, investments muna bago pag-aaral

NAKAUSAP din namin si Bea Alonzo sa set ng “Guns and Roses.” Nabatid naming wala pa diumanong planong ipagpatuloy niya ang kanyang pagkokolehiyo. Ito ay dahil sa pagiging busy raw niya sa kanyang showbiz career kung saan daw siya nakapag-ipon at natutus- tusan ang kanyang buong pamilya.

Mag-iipon pa raw ang aktres dahil isang poultry farm naman ang kanyang planong itayo sa Quezon para sa kanyang Mommy. Kapag mayaman na mayaman na raw si Bea, saka raw nito ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sinasamantala niya raw muna ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon sa show-business.

Panay naman ang papuri ni Bea sa kanyang leading man na si Robin Padilla sa seryeng Guns and Roses. For the past two months ay nakita raw niya ang pagiging gentleman nito sa lahat at pagiging down to earth. Hindi raw nakakapagtaka kung maraming babaing mahuhumaling sa pagiging maginoo ni Robin.

Ganooon?

Abangan daw natin ang mas lalong tumitinding eksena nilang lovey-dovehan ni Robin sa seryeng ito. Yun na!

***

SA dinami-rami ng isyung naglabasan patungkol kina Kris Aquino at Diether Ocampo lately, purely friendship and nothing else follows! Ito ang mahigpit na pinagdiinan ng aktor nang makausap namin ito kamakailan lang sa set ng Guns and Roses. Inurirat kasi ng ilang kasamahan sa media ang sikat na aktor kung ano nga bang totoong estado nila ngayon ni Kris Aquino. Naging maboka si Diether sa pagsasabing masaya na siya sa kanyang pribadong buhay na halatang umiiwas itong mapag-usapan.

Nang tanungin si Diether kung papano niya naman ipinagdiwang ang kanyang kaarawan, isang simpleng dinner kasama lang diumano ang kanyang buong pamilya at malalapit na kaibigan ang nangyari. Nang tanungin kung anong birthday gift naman ang kanyang natanggap mula sa sinasabi nitong matalik na kaibigang si Kris Aquino, hindi pa raw ito masasagot ni Diether sa dahilang wala pa naman daw dumarating sa kanya taliwas sa napabalitang 5 milyong halaga ng relo ang ibinigay raw sa kanya ni Kris. Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply