Bebot inutas sa Quiapo

TODAS ang isang babae matapos itong barilin sa ilalim ng bunganga ng ‘di nakilalang suspek sa Quiapo Biyernes ng gabi, Hulyo 8.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 22-25, may taas na 5’2-5’4, may tattoo sa kanang kamay na “ROSAURO,” nakasuot ng brown sleeveless, cargo shorts at brown sandals.

Sa ipinarating na ulat ni PO2 Roderick Pacilan, kay P/Insp. Armand Macaraeg ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-9:25 ng gabi ng maganap ang krimen sa tapat ng bahay sa 1035 R. Hidalgo St.,Quaipo, Maynila.

Ayon naman kay Kagawad Rodolfo Obong, isang concerned citizen umano ang nakakita sa duguang katawan ng babae sa nasabing lugar na agad naman nilang ibineripika.

Base naman sa pahayag ni Gng. Castillar, nakarinig ito ng malakas ng pagsabog sa labas ng kanilang bahay ngunit hindi nito pinansin.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa illim ng kanyang bunganga na tumagos naman sa gawing itaas ng kanyang bunbunan.

Blangko pa ang pulisya sa naging motibo ng pamamslang sa biktima habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply