Bebot niluray sa ibabaw ng nitso

HUBO’T hubad at tulala ang isang babae na ginahasa ng lalaki sa ibabaw ng nitso sa loob ng sementeryo sa lalawigan ng Infanta, Quezon Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya ngayon, Linggo.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ilang mga residente ang nakakita sa biktima na itinago sa pangalang Amor na wala nang saplot at tila wala sa sarili subalit halatang nasa ilalim ng espiritu ng alak dahil sa amoy nito.

Hinihinalang nilasing muna ang biktima bago dinala sa loob ng Infanta Public Cemetery kung saan ito ginahasa ng suspek na nakilalang si Michael Ronsol.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek matapos itong bumalik sa Infanta Public Cemetery kung saan isinagawa ang panghahalay sa biktima.

Dinala naman sa pagamutan ang biktima at iniimbestigahan na ang naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply