Bebot patay sa sakal ng selosong dyowa

PATAY ang 33–anyos na babae makaraang sakalin at inuntog sa pader ng selosong kinakasama sa Quezon City Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nelin Boclis, ng 187 Ilang–Ilang St., Payatas, Quezon City.

Ang bangkay ni Boclis na may sakal sa leeg at duguan ang ulo ay natagpuan sa loob ng kanyang bahay dakong 6:30 ng umaga kanina sa 187 Ilang-Ilang St.,Payatas.

Kusa namang sumuko ang kinakasama ng biktima na si Robert Orale, 34.

Ayon kay SPO1 Peter Walawala, desk officer ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 7:00 ng gabi kagabi habang may kainumang mga kaibigan ang suspek sa bahay nila sa Payatas.

Lumilitaw sa imbestigasyon na habang nag-iinuman sina Robert at mga bisita nito ay nasulyapan umano ng suspek na nakikipagtitigan ang kanyang kinakasamang si Boclis sa mga kainuman.

Dahil dito ay sinita ng selosong si Robert ang kinakasama subalit mariin naman tumanggi ito hanggang humantong sila sa mainitang pagtatalo at murahan.

Sa  puntong ito, basta na lamang hinawakan ng suspek si Boclis saka sinakal at inuntog ang ulo sa sementadong pader hanggang mapatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply