Bebot pinagbayad sa motel matapos na mahipnotismo ng estranghero

ISANG dalaga ang naghain ng reklamo sa tanggapan ng pulisya matapos bumalik ang katinuan, laban sa hindi pa nakikilalang lalaki na umano’y nanghipnotismo sa kanya kaya’t napapayag siyang sumama sa motel at siya pa ang pinagbayad, sa ulat ng pulsiya ngayon, Martes.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang biktima na itinago sa sa pangalang “Amor,” dalaga, ay dumulog sa San Fernando City Police Station upang maghain ng reklamo.

Sa insiyal na imbestigasyon ay sinabi ng babae na kapwa sila pasahero ng makisig na lalaki sa isang bus na galing sa Dagupan, Pangasinan at nagkatabi sa isang upuan. Habang bumibyahe ay nagkwentuhan sila ng lalaki.

Bukod sa gwapo ang lalaki ay magaling itong mambola subali’t hindi niya alam kung paano siya napapayag na sumama rito sa motel.

Nang makarating umano ang bus sa San Fernando ay niyaya umano ng lalaki ang biktima na mag-check-in sa isang motel at sa di mawaring dahilan ay si nakatanggi ang biktima at sumama sa suspek.

Sa loob ng isang de-airconditioned na kwarto ay ilang minuto silang namalagi at nakipaghalikan pa umano ang dalaga sa lalaki ng magpaalam ito matapos na humingi sa kanya pera upang ipangbayad sa motel.

Nag-abot naman umano ng P1,000 ang dalaga sa lalaki ngunit makaraang lumabas ng silid ay hindi na siya binalikan nito.

Sa puntong ito ay bumalik umano sa katinuan ang dalaga at naisip na tila nalinlang siya ng guwapong lalaki dahil naisahan na siya pa ang nagbayad sa motel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply