Bedol inalmahan sa ARMM polls anomaly

UMALMA si Commissions on Elections Commissioner (Comelec) Rene Sarmiento matapos idawit ni Lintang Bedol hinggil sa sinasabing dayaan ng eleksyon sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) noong 2007.

Mariing itinanggi Sarmiento ang pahayag ni Bedol na pumunta siya sa ARMM upang tiyakin na naimplementa ang dayaan sa Mindanao.

Ayon dito, maraming magpapatunay na wala siya sa nasabing lugar gaya na lamang ni Department of Justice Secretary Leila de Lima, at COMELEC Chair Sixto Brillantes na dating abogado ng genuine opposition.

Nasorpresa rin aniya ang COMELEC sa paglantad ni Bedol, dahil sa matagal itong nagtago at sa katunayan ay marami na ring criminal cases na isinampa sa kanya.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon ang COMELEC sa isyu at ipapatawag ang mga dawit sa anomalya na sina dating Comelec Chair Benjamin Abalos at retired Commissioner Nicodemo Ferrer upang makapagpaliwanag hinggil dito.

Kailangan din aniyang lumabas sa lungga si Bedol, magsalita sa isyu at ipaliwanag kung bakit siya idinawit sa Mindanao elections anomaly.

Bukod dito, nagtutugma rin ang mga rebelasyon ni Zaldy Ampatuan at ni Bedol, ngunit dapat aniya’y imbestigahan si Bedol dahil sangkot ito sa dayaan.

Hindi rin nila maaaring ibase ang imbestigasyon sa pamamagitan lamang ng oral statements kaya nararapat lamang na lumantad ito upang magkaroon ng pormal na imbestigasyon.

Nakiusap din si Sarmiento kay Bedol na isiwalat ang katotohanan at huwag lokohin ang publiko sa kanyang mga statement.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply