Bedol isinailalim sa medical examination

ISINAILALIM muna sa medical examination ng PNP Crime Laboratory si dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol habang nasa loob ng PNP custodial center sa Camp Crame.

Pinangunahan mismo ni Police Supt. Ruby Grace Sabino Diangson, hepe ng PNP Crime Laboratory Medico Legal Division, ang proseso sa check-up habang nasa loob ito ng custodial center.

Nabatid na hindi na idinaan pa sa PNP General Hospital si Bedol bilang proseso sa kustodiya at sa halip ay ginawa na lamang ito sa kanyang kulungan dahil sa isyu ng seguridad.

Una rito, alas 12:00 kaninang tanghali nang dumating si Bedol sa Camp Crame.

Patuloy naman ang monitoring ng Commission on Elections (Comelec) sa PNP upang masiguro ang seguridad at kustodiya ng dating election supervisor.

Napag-alaman na sa PNP custodial center din nakulong si Sen. Antonio Trillanes at dating AFP comptroller M/Gen. Carlos Garcia.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply