Bedol nasa DILG noong Biyernes pa

KINUMPIRMA ng abogado ni dating Maguindanao Provincial Election Supervisor Atty. Lintang Bedol na noong Biyernes pa nasa kustodiya ng Department of Interior and Local Government matapos itong kusang loob na sumuko.

Napag-alamang si Bedol ay nagpasyang sumuko matapos magpalabas ang COMELEC ng warrant para sa contempt charges dahil sa hindi nito pagdalo sa COMELEC enbanc noong pinapapatawag para pagpaliwanagin sa pagkawala ng mga election returns sa mga bayan sa Maguindanao.

Sinabi naman ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na pag-uusapan ngayon ng enbanc kung saan dapat makulong si Bedol sa loob ng anim na buwan.

Nabatid na habang ginagawa ang press conference sa COMELEC ay nakasuot si Bedol ng bullet proof vest upang masiguro umano ang kanyang seguridad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply