Bianca King nagpipilit magpakaaktres

KITANG-KITA talaga’ng sobrang effort ni Bianca King sa “Sinner or Saint.” She plays the major character Noemi Manansala in the story, at bilang Noemi, maraming sakit sa buhay siyang dinaanan. Sabi namin, sobra ang effort na binibigay ni Bianca dahil nga pilit ang pagpapakaaktres niya. She’s very raw na nakaaawa talaga siya dahil nakikita’ng marami niyang kakulangan in tackling the role.

Pero marami pa rin ang pumupuri kay Bianca dahil nagawa nitong kumawala sa sub-culture sa showbiz na kapag may sharp mestiza features na gaya niya ay pang-kontrabida lang. Despite her contravida look, si Bianca kasi looks very pathetic at kapani-paniwalang talagang mahirap lang siya.

Anyway, konting pagta-trying hard pa at mare-realize na ni Bianca yung kagustuhang matawag na aktres.

No, not yet in Sinner Or Saint. Maybe sa susunod niyang project, baka mas magaling na siya.

Ang maganda dito kay Bianca, she knows her limitations. At ito an ginagamit niya as tools for improvement. Isa pa, she talks ‘showbiz’ dahil nga isa siyang MTV director.

She knows na kahit na gaano karaming effort ang ilagay niya at this point, kulang at kulang pa rin. Or baka nga puwedeng sabihing sobra.

But let us not worry about her, kasi nga, dinidibdib ni Bianca ang pagiging artista and to be recognized as true actress in the real sense of the word is not remote.

Darating at darating ang araw na kikilalanin din siya.

Sana naman po!

***

Pinarusahan si Albie Casino: Bida si Jackie Estrada!

NAGIGING sobrang masalimuot ang mga kuwento sa pagbubuntis ni Andi Eigenmmann.  Although, sa kanyang tweet, Jackie Estrada says na hindi totoo na inaako na niya’ng kabuntisan ni Andi, still maingay yung kuwentong ibinabahay na niya si Andi sa kanilang Wack-Wack residence. This simply means na kahit na kanino yung bata, handa si Jackie na pangatawanan si Andi.

How great the love is!

Anyway, lumalabas na talagang magkarelasyon sina Andi at Jackie at the time na nagbubuntis ito kung hindi man sa kanya ang baby. Kasi nga, tila hindi naman naglaho ang pag-ibig ni Jackie sa anak ni JacKlyn Jose kahit bulgaran nang binuntis ito ng ibang lalaki bago napunta sa kanya.

Kung totoo yung pag-aarugang ginagawa ngayon ni Jackie at ng kanyang pamilya sa buntis na dalaga, aba, secure na si Andi at this point.

And what about poor Albie Casino?

Well, may nakalaang parusa sa kanya. He’s now out sa mga proyekto ng Star Magic and until and unless, he could prove na hindi siya ang ama ng bata, he will continue to live in a very cold freezer. No matter how powerful his manager is sa ABS, Albie has to suffer the consequences. Sa ngayon kasi, na kay Andi ang simpatya at tila nakikisimpatya rin ang publiko kay Jackie Estrada who’s gentleman enough to accept Andi’s pregnant conditions.

Suwerte pa rin naman si Andi.

Did you know, Mother Lily is sympathizing with her. Na kahit buntis na ito, tuloy pa rin ang kanyang Hototay project with Regal. And at this point posibleng madagdagan pa’ng exposure niya sa movie dahil kahit weirdo ang kasikatan ngayon ni Andi, there’s no denying na sikat na sikat siya sa ngayon.

Hindi ba, Jun Nardo?

***

Lovi Poe silent girlfriend ni Richard Gutierrez?

SOBRANG pagod at stress pala ang dahilan kung bakit nangangalumata at nangangayayat si Lovi Poe. Sa sobrang dami ng kanyang mga ginagawa, nagsa-suffer ang kanyang kalusugan.

Lately nga, nagkaroon pa siya ng Bench pictorial sa China kung saan na-link pa sa kanya pati ang Chinese model na kasama niya sa naturang pictorial.

Pero wala raw itong katotohahan sabi ni Lovi.

Isa pang isyu haunting Lovi ay yung diumano, silent girlfriend siya ni Richard Gutierrez.

Kumbaga, kakuyangyangan daw nito ang anak ni Annabelle Rama at dahil madalas na puyat ayun, nangangayayat nga siya.

Iginiit din ni Lovi na wala silang relasyon ni Richard Gutierrez na kasama niya sa Captain Barbell.

Never din daw siyang niligawan ng aktor dahil marami silang common friends.

Very much single ang aktres at choice raw niya ito. Naka-focus lang siya sa kanyang trabaho at marami siyang inspirasyon para pagbutihin ang career.

“Sarili ko muna ang uunahin ko!” ani Lovi.

At si Ronald Singson, ganun ba? Hehehe!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply