Bicolandia solon, gumon sa casino?

ROLL the dice! Napabalitang isang Bicolandia lawmaker ay lubha ang pagkagumon sa casino kaya laging absent sa Kongreso.

Dahil din dito, panay ang kanyang pakikipag-away sa kanyang maybahay at mga anak na ikinagagalit ang kanyang pagkagumon sa sugal.

Ayon sa sources, ang hindi pinangalanang mambabatas ay natatalo ng daang libong piso halos gabi-gabi sa baccarat, poker at iba pang high-roller games sa Resorts World Manila sa Parañaque City.

Ang kanyang di umano’y laging kasama ay isang dating gobernador sa Mindanao.

Pinaramdam ng sources na ang mambabatas ay dating miyembro ng 14th Congress ng House of Representatives nu’ng panahon ng isang dating pangulo.

Siya ay anak ng isang well-entrenched political clan sa Bicolandia at nagsisilbi ng kanyang huling termino.

Expert siya sa energy concerns at isang outstanding parliamentarian. Isa sa kanyang mga anak ay dating mambabatas din sa distrito at ngayo’y naglilingkod sa isang mataas na executive office.

Napag-alaman din na ang kanyang mga constituent ay matagal nang nagrereklamo sa pagwawalang-bahala ng mambabatas sa legislative needs ng distrito.

Binalak di umano nila na magdala ng petisyon kay House Speaker Sonny Belmonte para imbestigahan ang mambabatas.

Ayon din sa sources, iba pang concerned civic groups sa distrito ang nagbabalak na magsampa ng kasong dereliction of duty laban sa mambabatas sa Ombudsman.

“We have had enough of his indolence and apathy to our needs. As a lawmaker, he should be a role model of conscientiousness and integrity in public service. We are greatly disappointed,” the civic groups were quoted as saying.

Pinaramdam din ng sources na nakakuha sila ng litrato ng mambabatas habang nagsusugal sa casino na binabalak nilang ibigay sa media. O Mr. Congressman, binabagyo, binabaha at hirap na hirap na ang nasasakupan niyo.

Paano yan?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply