Biggest joke: Kumonti na ang nagugutom

TUWANG-TUWA ang mga onorabol sa resulta ng sarbey na nagsasabing kumonti na nang kaunti ang bilang ng mga nagugutom.

Epektib ang programa ni Inday Dinky Soliman na Conditional Cash Transfer?

Ewan natin kung totoo ito o hindi.

Sapagkat lumalabas na marami pala sa mga nakalista na nagugutom ay mga “botante” ng mga pulitiko lalo na sa susunod na halalan.

Subalit inspirado si PNoy na ituloy, palawakin at paigtingin ang sinimulang programa ni Gloripie.

Kitang-kita ito sa inokeyang badyet ni PNoy para sa 2012.

Mula sa P34.3 bilyon lamang na badyet ni Inday Dinky ngayong taon, magiging P53.6 bilyon ito sa 2012 para mahagip umano ang tatlong milyong nagugutom na pamilya mula sa 2.3 milyon lamang sa taong ito.

Gud lak, PNoy.

oOo

Maganda nga na makarinig tayo ng ganyang mga balita. Pero tila may higit na katwiran ang mga nagsasabing ibuhos na lang kaya ang mga pondo sa CCT sa mga pangkaunlarang proyekto na pangmatagalan.

Mining tu sey, Suki, magtatrabaho ang mga benepisiyaryo o ama ng mga pamilyang mahihirap sa mga gagawing farm to market road, dam at irigasyon, kalsada, tulay, eskuwelahan, pier, reforestation, palengke at iba pa.

O kaya’y iorganisa sila bilang mga kooperatib o asosasyon na gumawa ng mga kapaki-pakinabang o produktibong bagay na pupuwedeng laman ng mga merkado, proteksyon ng mamamayan sa mga kalamidad, sakit at iba pa.

oOo

Sa totoo lang, nakatatakot isiping balang araw ay makalilikha ang CCT ng milyon-milyong namamalimos sa buwis na dapat sana ay mapakinabangan nila nang nagpapawis at nag-iisip.

Kaya nga hindi tayo gaanong natutuwa sa balita na natutuwa sina PNoy sa sarbey.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply