‘Biggest warship’ ng Pinas darating na

IPINAHAYAG ng Malacañang na ang paparating na pinakabago at pinakamalaking warship ng Pinas, ang BRP Gregorio del Pilar, na magpapatrol malapit sa kanlurang bahagi ng karagatan ng bansa ay hindi para iparamdam sa China na dapat silang maalarma.

Ani presidential spokeswoman Abigail Valte, ang pagbili ng bansa ng nasabing pandigmang sasakyan ay bahagi ng pangako ni Pangulong Benigno Aquino III sa Philippine Navy noong turnover of command ceremony na pagtutuunan niya ng pansin ang pagkakaroon ng modermnong gamit ang Armed Forces para mapataas pa ang kakayahan ng Sandatahang Lakas sa pagpapatrol at pagprotekta sa teritoryo ng bansa.

Ang 3,390-ton BRP Gregorio del Pilar, dating kilala bilang US Coast Guard cutter Hamilton ay aalis sa San Francisco, California port sa Lunes para magtungo sa bansa.

Ang nasabing sasakyan ay may dalawang 1,800-horsepower gas turbines. Mayroon din itong helicopter flight deck, isang retractable hangar at iba pang pasilidad  para sumuporta sa helicopter operations.

Ito ang orihinal na gamit ng US coast guard noong 1967 bago ibinenta.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply