Biktima ng leptospirosis dumarami

AYON sa ulat ng Department of Health (DOH), patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nabibiktima ng sakit na leptospirosis.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa paglusong sa baha upang hindi tamaan ng nakamamatay na sakit, na nakukuha mula sa ihi ng daga.

Batay sa latest report ng DOH, nabatid na mula Enero hanggang Hunyo 25 lamang ng kasalukuyang taon ay nakapagtala na sila ng 521 kaso, kung saan 38 ang kumpirmadong namatay.

Ang naturang mga kaso ay mas mataas ng 65.4 porsiyento kumpara sa naitalang 315 kaso lamang noong 2010, sa kahalintulad na petsa.

Karamihan sa mga kaso ay mula sa Western Visayas (131 cases), Bicol Region (64), at Davao Region (56).

Tulad ng dengue, wala ring pinipiling edad ang leptospirosis dahil batay sa record ng DOH, ang mga tinamaan ng sakit ay nasa pagitan ng wala pang isang buwang gulang hanggang 72 taong gulang.

Karamihan rin sa mga nagkaka-leptospirosis ay mga lalaki (86.8%), dahil sila ang mas madalas na lumulusong sa baha.

Naniniwala ang DOH na ang madalas na pag-ulan sa Western Visayas, Bicol at Davao regions ang dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga kaso ng sakit doon.

“Leptospirosis is an infection commonly transmitted to humans from water that has been contaminated by animal urine (usually rats), and comes in contact with lesion in the skin, eyes, or with the mucous membranes,” paliwanag ni Health Secretary Enrique Ona.

Iginiit ng kalihim na pinakamabisang depensa sa sakit ay ang pag-iwas sa paglusong sa baha at pagsusuot ng protective footwear tulad ng bota.

Sintomas
1. lagnat
2. pangingikig
3. matinding sakit ng ulo.

Ang malalang kaso ng sakit ay maaaring mauwi sa kumplikasyon tulad ng:
1. meningitis
2. renal failure
3. respiratory distress
4. kamatayan

Pag-iwas
1. Iwasang lumusong sa baha lalo na yung nga open wounds
2. Kung di maiwasan na maglakad sa baha, gumamit ng bota upang may proteksyon sa paa lalo na kung may sugat

“The rainy season is just beginning, so we are reiterating our advise to the people to prevent leptospirosis by avoiding, as much as possible, wading in flood-waters, and to wear boots if it cannot be avoided,” ayon pa kay Ona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply