Bilang ng mga Pinoy na may AIDS lumobo pa

UMAPELA ang isang kongresista sa Malakanyang na dagdagan ang pondong ilalaan ng gobyerno sa 2012 General Appropriations Act para sa AIDS prevention campaign matapos lumobo ng 63 porsiyento ang bilang ng mga Filipinong nagtataglay ng nakamamatay na sakit na ito.

Sinabi ni LPGMA Party-list Rep. Arnel Ty, nakakabahala ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga Pinoy na may AIDS kung kaya kailangang repasuhin na ang 1998 AIDS Prevention and Control Law upang magkaroon ng isang komprehensibong programa sa pagsugpo dito.

Sa datos na nakalap ni Ty, ang kaso ng HIV sa Pilipinas ay lumagpas na sa 7,000-mark, matapos tumaas ng may 63 porsiyento o katumbas ng 178 na bagong kaso ngayong Hunyo 2011.

Batay sa istadistika ng National Epidemiology Center na ipinalabas nitong Biyernes, sinabi ni Ty na dahil sa naturang dagdag na bagong kaso ay umabot na sa total na 1,016 ang bilang ng may HIV sa unang bahagi ng taon.

Ayon kay Ty, sa listahan ng National HIV and AIDS Registry, na siyang nagsasagawa ng passive surveillance ng sakit mula 1984, nasa 7,031 ang kaso ng HIV kabilang na ang nasa 875 na may advanced AIDS.

Nasa 37 porsiyento aniya ng may full-blown AIDS, o 325 pasyante ang namatay na.

Sa mga bagong kaso, 22 o 12 porsiyento ay pawang mga overseas Filipino worker (OFW) kung saan 18 dito ay lalai at apat na babae.

Mayorya o 91 porsiyento o 6,379 ng lahat ng kaso na nakatala sa National HIV and AIDS Registry ay nahawan dahil sa unprotected sexual contact habang ang natitira ay nahawa sa pamamagitan ng contaminated needle na ginagamit ng mga drug user, mother-to-child conveyance, tainted blood transfusion, needle prick injuries.

Nagbabala ang Philippine National AIDS Council sa posibilidad na umabot sa 46,000 Pinoy ang magkaroon ng HIV pagdating ng 2015, kung hindi mababantayan ang pagkalat nito.

Nagbabala si Dr. Edsel Salvana, isang espesyalista sa infectious disease medicine, na dala na rin sa mabilis na paglaki ng bilang ng narereport na may AIDS, mangangailangan ang gobyerno ng P1 bilyon kada taon pagdating ng 2015 para makabili ng anti-retroviral drugs na kailangan para sa mga may HIV.

Ang HIV ay nauuwi sa AIDS, o Acquired Immune Deficiency Syndrome. Sinisira o pinapatay ng sakit ang immune system ng isang tao at wala itong gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply