Bill Gates nagbenta ng 5 milyon share sa Microsoft

IBINENTA ni Microsoft co-founder Bill Gates ang 5 milyong share sa Microsoft Corporation ayon sa Securities and Exchange Commission ng Amerika.

Umabot umano ng $130 milyon ang naging bentahan dahil nabenta niya ito sa halagang $27.20 hanggang $27.98 kada shares.

Nabatid na hindi nagbigay ng anumang dahilan ang Microsoft Chairman sa naturang pagbebenta ng kanyang shares.

Bago nangyari ang bentahan ay hawak ni Gates ang 551 milyong shares sa Microsoft.

Matatandaang bumaba bilang CEO si Gates noong Hunyo 2008 para umano mag-concentrate sa kanyang Bill and Melinda Gates Foundation na tumutulong sa global health care.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply