Billboard operators sa Kyusi tinuluyan ng MMDA

SINISERYOSO ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang kompanya laban sa mga ilegal na billboard sa lungsod ng Quezon matapos kasuhan ang mga operators ng mga ito.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino kinasuhan na nila ang mga billboard operators na nakatayo sa EDSA, bonifacio Avenue at Immaculate Conception sa Cubao.

“Owners of all eight billboards had received notices of rolldown removal and confiscation of the illegal advertising tarpaulins from the Local Building Official of Quezon City,” ayon sa isang pahayag ng MMDA sa kanilang website.

Umabot na ng 18 kaso ang naisasampa ng MMDA sa mga ilegal ng operators.

Inihayag din ni Tolentino ang papatanggal ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ng tatlong malalaswang naglalakihang billboard na nakatayo sa kanyang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply