Binata inutas habang nagba-basketball

PATAY ang isang binata matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakabisekleta habang ang una ay naglalaro ng basketball sa Malabon City, Miyerkules ng gabi, Hulyo 21.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa magkabilang kili-kili si Gerald Talastas, 18, ng S. Pascual St., San Agustin.

Batay sa ulat, dakong 6:40 ng gabi, nakikipaglaro ng basketball ang biktima malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang suspek na may takip na tuwalya ang mukha at pinagbabaril si Talastas.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sakay ng mountain bike habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Inaalam na ng mga pulis ng pagkakakilanlan ng suspek at malaman ang motibo ng pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply