Binata nang-umit sa supermarket, kalaboso

KALABOSO ang isang binata matapos  mang-umit ng grocery item na nagkakahalaga ng P41 sa isang supermarket sa Caloocan City Sabado ng hapon, Hulyo 2.

Malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng suspek na si Arjay Roque, 20, residente ng BF Homes, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon kahapon, pumasok sa loob ng Ultra Mega sa T. Samson Rd., Camarin sa nabanggit na lungsod.

Nag-ikot-ikot pa si Roque bago dumampot ng sachet na Milo energy drink at Tang juice.

Sa malas ng suspek, nakita ng isang empleyado ng supermarket ang ginawa niya at agad na ininguso sa kanilang guwardiya.

Paglabas ni Roque ay agad na sinita at hinanapan ng resibo ang dala-dalang Milo at Tang.

Dahil sa walang mailabas na resibo ay binitbit sa presinto si Roque.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply