Binata pinatay habang natutulog

HINDI na nagising ang isang binata matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Navotas Sabado ng madaling araw, Hulyo 2.

Dead on the spot sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan si Rolando Cuizon, 38, ng R-10, North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 1:00 ng madaling araw, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek. Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply