Binata todas sa ala Pacquiao na suntok

TODAS ang isang binata matapos masapul sa bunganga ng ala Pacquio na suntok ng isang lalaki habang ang una ay naglalakad Linggo ng madaling araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pagbagok ng ulo ang biktimang si George Siapno 38, residente ng No. 12 Malinis St., Barangay Lawang Bato, Valenzuela City.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Antonio Valdez Jr., 36, binata at residente ng 888 Sebastian Building, Gen. Luna St ., Brgy., Bagbagin ng nasabing lungsod

Base sa imbestigasyon ni SP02 Joselito Delos Reyes, may hawak ng kaso, bandang 12:15 kahapon ng madaling araw nang maganap ang insidente sa FllOil Gas Station, Gen., Luna St., Bagbauin Caloocan City

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at walang salitang sinapak si Siapno dahilan upang masapulp ito sa bunganga.

Sa lakas ng pagkakasapak, bumagsak na una ang ulo ang biktima sa semento dahilan upang agad itong isugod sa naturang pagamutan subalit hindi na rin ito umabot ng buhay habang mabilis namang tumakas sa hindi matukoy na dreksiyon ang suspek.

Kagunay nito, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng suspek sa ginawa nitong panapak sa biktima na ikinamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply